Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona diskaril ang boses

0 171

Ang newbie noontime musical variety show sa TV 5 nnu’ng Sunday ang pinanood ko nitong weekend.

Maraming loyal followers ang “ASAP Natin To” kaya hayaan na muna silang masanay at huwag sanang maumay sa kanilang bagong channel at ang “All Out Sunday” sa GMA 7, may captive audiences pa rin kasi nga umeere pa rin ito.

Ang mga obserbasyon ng diva that you love, tungkol sa musical variety show, more chances of winning ito na maging third force sa Sunday entertainment fare at viewing habit. Hindi pwedeng ikaila na ang directorial stamp ni direk Johnny Manahan sa bagong programa.

Bagamat marami ang nagsasabi na para itong ASAP Lite, captured ng camera shots ni Mr. M ang millennial feel at vibes ng TV5 show.

Ang sarap pakinggan at pagmasdan ni Catriona Gray pag kumukuda bilang host pero sa pag-awit, mas ibayong pag-eensayo pa at pagtutok ng vocal coach sa kanya dahil nakakanerbiyos na pag kumakanta siya. Medyo nadidiskaril pa ang boses. Sumasaliwa in some parts, sa true lang ang pag-awit niya sa Dua Lipa ditty.

Between the two young men na sina Donny Pangilinan at Jake Ejercito, mas bet ko si Jake. The camera loves him more. Homme na homme ang dance moves. Ang timbre ng boses, panalo at tunog sosyalin, engaging and relatable. In my book, mas eye candy siya kesa kay Donny.

Si Maricel Laxa na naging lalaki kasi ang dating sa akin ni young master Pangilinan kaya kahit he screams matinee idol from head to foot, parang mas gusto ko siyang mapanood sa BL drama. Sa true lang kesa makipaglandian sa kung sino-sinong starlet wannabes. Sure naman tayong lahat na gusto na niyang ibaon sa limot ang episode niya with Kisses Delavin.

Para sa diva that you love, ang only fly in the ointment sa TV5 show, ang presenya ni Piolo Pascual. Para lang slightly asiwa lang na makita si Papa P sa isang show brimming with electric youth and young bloods.

Mas pang “ASAP Natin ‘To” talaga na si Pascual. Mas belong siya na pulos seasoned ang kasama kesa umarte na comfortable at kuya-kuya figure ng GenerationZ cast, sa true lang.

SM food to go Banner Ad

Alden mabenta ang online concert

Pahayag sa isang Twitter post, sold out na ang virtual concert ni Alden Richards na pinamagatang Alden’s Reality.

Magandang balita naman ito kasi nga kahit may pandemya pa, ang mga nagmamagal sa Kapuso superstar actor, eh pangmalakasan talaga. Mas lalo yatang umigting ang kanilang pananabik kay Faulkerson kaya ganun na lang ang pagbili nila sa tickets para sa online concert nito.

Feast of the Immaculate Conception ang concert date ni Richard kaya hindi hindi na dapat pagtakhan na blessed ito sa simula pa lamang.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, ang pinakamalaking gift sa concert ni Alden, eh ang balitang COVID free na ang Pilipinas nating mahal at wala na tayo sa kahit na anong quarantine status. Panalong-panalong yun hindi ba.

Ang isa pang inaabangan sa Philippine superstar eh kung kaninong major award giving body ba manggaling ang kayang much deserved best actor trophy para sa “Hello, Love, Goodbye.”

True, sa mga academe instituted awards, umaariba na ang binatang actor sa pagwawagi pero iba pa rin siyempre kung sa Gawad URIAN o sa Star Awards for Movies manggagaling ang kanyang panalo bilang pinakamahusay na aktor.

Masipag, mabait at may tunay na talent at pagmamahal talaga si Alden Richards sa kanyang propesyon ang pag-arte kaya nga hindi na kataka-taka na siksik, liglig at umaapaw pa rin ang mga biyayang kanyang tinatanggap.

Mabuhay ka, mahusay ka talaga Richard Faulkerson Jr.

Leave A Reply

Your email address will not be published.