Abante Tonite Interactive

Catriona emosyonal sa huling Miss U photoshoot

375

Matatapos na ang reign ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Halo-halo ang kanyang emosyon sa huling photoshoot niya sa Miss Universe.

Sa darating na Disyembre ay ipapasa na niya ang korona sa susunod na hihirangin. Nitong nakaraang linggo ay pinasilip niya ang huling photoshoot sa Instagram.

Caption niya sa larawan, “Feeling a mix of emotions shooting my final photoshoot for @missuniverse today! So excited for you all to see it!!”

Nakatakdang ganapin ang Miss Universe sa Atlanta USA. Dito lalaban ang pambato ng ‘Pinas na si Binibining Pilipinas Universe 2019 Gazini Ganados. Maraming umaasa na sana’y masungkit muli ng ‘Pinas ang korona.

Sa ngayon ay naghahanda na si Gazini sa tulong na rin ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. (Rona Ronda)