Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona hurado sa ‘SupermodelMe’

0 134

Kabilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa star-studded cast ng 6th season ng Asian reality show na “SupermodelMe”.

Magiging judge siya sa competition kasama sina American photographer Yu Tsai, TV host Hanli Hoefer at Singaporean actress Ase Wang.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang beauty queen ng teaser video ng reality show.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It’s time for a revolution…” caption ni Gray.

Host ng “SupermodelMe” si supermodel Cindy Bishop tampok ang 12 aspiring models mula sa Pilipinas, Singapore, China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam.

Ipalalabas ito sa AXN Asia simula October 11. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.