Abante Tonite Interactive

Catriona, ipinagno-nobena sa Miss World

By
Catriona Gray
6

AFTER manalong Miss International 2016 ni Kylie Verzosa, maraming mga kababayan natin na mahilig sa mga beauty contest ang umaasa namang maiuuwi ni Catriona Gray ang Miss World 2016 crown.

Ipinagdarasal ng ­Pinoy beauty contest ­enthusiasts na si ­Catriona ang susunod nating Miss World.

For sure, meron pang nagno-nobena para magwagi siya.

Bago umalis papunta sa nasabing beauty pageant, nagbakasyon muna si Catriona sa Bohol.

Mukhang tie-up ang bakasyon na ‘yon ni Catriona dahil panay ang banggit niya sa airline na sinak­yan papunta roon at pati sa resort na tinirhan.

***

Bukas ang alis pa-Japan ni Assunta de Rossi at ng mister niyang si Jules Ledesma.
After magdesisyon si Jules na huwag nang kumandidato sa kahit na anong posisyon noong nakaraang eleksyon, mas nakakapag-bonding na sila ng misis.

Dahil na rin sa hindi na muna nag-pulitika si Jules, nagdesisyon si Assunta na mag-slow down sa acting career at piliin na lang muna ang mga proyektong tatanggapin at huwag munang magkaroon ng regular TV series.

After ng pelikulang Higanti, nakasingit pa siya ng isang pelikula, ang Pak! Ganern! Go! nina Vice Ganda at Coco Martin. Natapos na ang shooting niya para roon noong Sabado.

Ngayon, bukod sa mae-enjoy na nila ni Jules ang kanilang bakasyon sa Japan, mas matututukan na rin ni Assunta ang matagal na niyang gusto na magbuntis.

Who knows, magkaroon sila ng early Christmas­ gift ni Jules kung finally ay mabuntis na siya sa kanilang Japan ­“honeymoon,” huh!

Bale 10 days sila sa Japan at marami ­silang planong puntahan at gawin.

After nilang makapagbakasyon, ang interior design naman ng new condominium unit nila ang tututukan ni Assunta dahil doon na niya planong maniraham.

Mas sanay sa condominium-living si Assunta dahil simula nang ikasal sila ni Jules ay sa condomi­nium na sila nakatira.

Imbes na magpagawa ng bahay, nagdesisyon silang mag-asawa na bumili na lang ng isang condominium unit sa Makati na titirhan nila kasama ang dalawang anak ni Jules sa unang misis (biyudo si Jules nang magkaki­lala sila ni Assunta) and hopefully, ang inaasa­han nilang magiging anak.