Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona kilig sa paandar ni Sam

0 51

NI: VINIA VIVAR

Hindi rin nagpahuli sa Valentine’s Day celebration ang lovebirds na sina Sam Milby and Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naka-post sa Instagram page ni Catriona ang short video ng kanilang get-away sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas na pag-aari ng kaibigan ni Sam na si John Prats.

Ang cute ng video kung saan ay makikita si Sam sa pool na nakikipaglaro sa aso habang si Catriona naman ay nakahiga sa pool side. Both looked so happy at bagay talaga sila.

“Hope you all had a day full of love 🥰 I know I did! Happy Valentines day friends!” caption ni Catriona.

Bihirang mag-post sina Sam and Catriona ng anything tungkol sa kanilang relasyon kaya naman nagpiyesta ang mga netizens sa video ni former Miss U. Kasalukuyan ngang nasa mahigit kalahating milyon na ang views nito.

Sa panayam ni Catriona earlier this month sa Sakto Teleradyo, inamin ng beauty queen na masaya talaga ang puso niya ngayon at ibinahagi ang mga qualities na nagustuhan niya kay Sam.

“He’s a very good listener, I really appreciate that. And he really goes out of his way to make time for me because we are both busy naman. So I really appreciate the small things talaga that he really shows that he’s thinking of me and he makes time for me,” sey ni Catriona.

Isa pa raw sa na-appreciate niya kay Sam ay nag-effort daw talaga ito na makilala ang kanyang parents.

“When I usually call them when we were sa States, we will all talk together. So it’s really nice to see them have that friendship already with my parents because that means a lot to me and I know that Sam knows that.

“So it’s just nice to see him make the effort. Hopefully naman I am able to go on a trip and hopefully bring Sam to see my family, next time sana,” sabi ni Catriona.

Leave A Reply

Your email address will not be published.