Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona kinabog si Pia

0 224

NI:ARCHIE LIAO

Sa inilabas na listahan ng world’s admired women sa Pilipinas ayon sa Yougov, nakapuntos ang 2018 Ms. Universe Catriona Gray kay 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach na wala sa listahan.

Nasa ikalawang spot si Cat na nakakuha ng 11.09% sa survey participants.

Nanguna naman sa unang puwesto ang actress at philanthropist na si Angel Locsin na nakakuha ng 15.03% admiration votes.

Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo naman ay nasa ikatlong puwesto na nakakuha ng 7.48% ng mga boto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Liza Soberano ay nakasama rin sa listahan at naka-garner ng 6.67% votes.

Si Vice President Leni Robredo ay kasama rin sa list na nakakuha ng 2.71% ng votes.

Sa kategoryang most admired men naman ay kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte na nakapagtala ng 19.67%

Ang People’s Champ naman at boxing icon na si Manny Pacquiao ay nakakuha ng 10.65% admiration votes samantalang ang Manila Mayor na si Isko Moreno na kasama rin sa listahan ay merong 7.96% votes.

Ang YouGov ay isang British international Internet-based market research at data analytics firm, na may operasyon sa Europa, North America, Middle East at Asia Pacific.

Leave A Reply

Your email address will not be published.