Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nicole lutang, sinalba ni Catriona

0 162

Trending topic sa Twitter ang 2018 Ms. Universe na si Catriona Gray pagkatapos niyang magkamali sa hosting ng nakaraang Binibining Pilipinas coronation night noong Linggo.

Sa pag-aanunsyo kasi ng top 12 candidates sa nasabing beauty pagent, tinawag niya si Meiji Cruz na pambato ng Valenzuela bilang Ms. Venezuela.

Sey ng mga netizen, baka naalala lang ng beauty queen ang kanyang co-winner na si Sthefany Gutierrez ng Venezuela na nagwaging third placer sa Ms. Universe pageant nang taong manalo siya noong 2018.

Dahil sa pagiging graceful daw ng beauty titlist, carry daw nitong hindi mawala ang poise.

Para sa ilan naman, cute raw ang dating nito dahil hindi naman iyong tipong nagmamarunong si Cat.

Puna naman ng iba kailan pa nalipat ang Venezuela sa Pilipinas?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa katatapos na Bb. Pilipinas coronation night, naging co-host ni Cat si Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves .

Kitang-kita rin sa telebisyon na kinalabit ni Catriona si Nicole dahil tulala ito at siya na ang magsasalita.

Sarah forever Kapamilya

Pagkatapos lumabas ang mga espekulasyon na susunod na rin si Sarah Geronimo sa paglipat sa GMA-7, biglang nagkaroon ng linaw ang isyu.

Sa programang ASAP ay nagbigay ng mensahe ang aktres na forever siyang magiging Kapamilya.

Matatandaang nagsimula ang bulung-bulungan sa paglipat ni Sarah dahil sa desisyon ng Viva na ipalabas ang kanyang concert sa GMA-7 sa Hulyo 18.

Leave A Reply

Your email address will not be published.