Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona kinampihan ng korte vs nude photo

0 12

Pinaboran ng Quezon City Prosecutor’s Office ang paghahain ng kasong libel laban sa Bulgar entertainment editor at writer kaugnay sa inilabas na artikulo tungkol sa “nude” photos umano ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pinakakasuhan ng libel sa korte sina entertainment editor Janice Navida at writer Melba Llanera.

Maliban sa libel, pinakakasuhan din si Navida ng cyber libel kaugnay naman sa Facebook post tungkol kay Gray.

Sa inilabas na headline ng naturang tabloid, mababasa ang: “After ng bantang pasabog ni Clint… NUDE PHOTOS NI CATRIONA KALAT NA!”

Lumabas naman sa kanilang Facebook page ang isang litrato ng topless na babae, na sinabi umanong si Catriona.

P30,000 ang piyansang inirekomenda para sa mga akusado para sa kasong libel at panibagong P48,000 para kay Navida sa cyber libel.

Sa Instagram ibinahagi ng abogado ni Gray na si Atty. Joji Alonso ang kopya ng desisyon. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.