Abante Tonite Interactive

Catriona mabigat ang laban sa Miss Universe

0 727

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Maraming napa-oooh at aahhh sa alindog at kariktan ni Catriona Gray, ang ating Ms. Philippines Universe contender, dahil sa kanyang pagrampa para sa Sherri Hill New York Fashion Week 2018.

May fashion clip akong napanood kung saan makikita ang dalawang beses na pagrampa ni Catriona. Ang una niyang suot, light peach sequined, deep-V neck gown at ang kasunod, embelished bustier top canary yellow gown na may kapa.

Sa pagrampa ni Gray, every inch of her screams beauty queen walking, another Bathaluman slayed the runway!

Ang kanyang balakang, panalo ang pag-imbay. Ang lakad, regal na regal. Ang tindig, alam mong sosyalin at alam mo ring ang catwalking is one of her strengths.

Sa aking pinanood, mas lalo akong nanalig na may ilalaban talaga sa paparating na timpalak pang-kagandahan. Kung talagang nasa kapalaran niya na maging pang-apat na Pinay Ms. Universe, walang pagtataka ang inyong diva that you love.

Kelsey Merritt unang Pinay na rarampa sa VS

Walang dudang talagang magaganda ang mga Pinay at patuloy pang patotoo nito, si Kelsey Merritt ay ang kauna-unahang Pinay na rarampa sa 2018 Victoria’s Secret Fashion Show. Kabogera ang ganda, hindi ba naman?

Ang kanyang pahayag sa Twitter, “WE DID IT PHILIPPINES!!!!!! I’m walking in the Victoria’s Secret Fashion Show 2018!!! Ahhhhhh I can’t believe this!! Thank you soooo much @johndavidpfeiffer, @monica.mitro, @10magazine, and Ed Razek for making my dream come true!!”

O hindi ba? Parang may ilang nambubwiset sa Pinay pride, may nagduda yata sa kanyang paging one-hundred percent Filipina, kaya may posting din siya sa mga nang-iinis.

“Pinanganak ako sa Pilipinas at lumaki ako sa Pampanga. Tinapos ko ang pag-aaral ko sa Manila bago ako lumipat sa US last year. Mas pinoy pa dugo ko kesa sa mga ‘pure’ na hindi pa nakatapak sa Pilipinas. I love my country and I’m proud of where I came from.”

Hay naku, sa mga nagsasa-alimango na naman diyan, tigil na, please. Matuwa na sa magandang pangyayari sa buhay ni Kelsey, huh!

Heart may payanig

Walang duda na in sa ngayon ang mabansagan at sabihing you belong sa top one percent na crazy rich Asian. Ang diva that you love, walang feeling of tuliro at pagkahibang sa payanig ngayon ni millennial Bathaluman, Love Marie Ongpauco-Escudero o mas kilala natin bilang si Heart Evangelista.

Hindi niyo pwedeng pagdabugan ng bangs. Mas lalong wala kayong karapatang i-arko ang inyong mga bushy eyebrow kasi nga ang Asian Evangelista ang kaisa-isang Pilipino na invited sa Harper’s Bazaar ICONS by Carine Roitfeld Party 2018 na nangyari kamakailan lamang sa Nueva York at ang in attendance lang naman rito ay ang Holly­wood’s creme dela creme, mula sa celebrities, supermodels, superstars and megastars, the old rich and new moneyed who are into fashion.

Si Carine Roitfeld ay dating editor ng French Vogue, kaya ang mga outfit na sinuot ng mga imbitado ay inspired sa fashion and haute ­couture creations na may stamp of approval ni Mesdame Roitfeld.

Kabogera, sexy at seductive looking si Heart sa kanyang all black Mark Bumgarner couture.

Pasok rin si Evangelista sa Elle magazine’s list of best red carpet looks. Ang ilan sa estrellang ka-rubbing elbows lang naman ni Love Marie sa tipar ay sina the heiress Paris Hilton, super models Gigi Hadid, Kendall Jenner, Adriana Lima, at Alessandra Ambrosio, at ang karibal dati ni Britney Spears, Christina Aguilera.

Salamat, Heart Evangelista, for showing to the chichis of New York na may ilalaban talaga sa pagandahan at payamanan, huh!