Abante Tonite Interactive

Catriona malungkot na ipapasa ang korona

280

Nalalapit na ang Bini­bining Pilipinas 2019 grand coronation night. Bagong binibini na naman ang tatanghalin para kumatawan sa Miss Universe.

Malungkot si Catriona Gray na ipapasa na niya ang korona bilang Bb. Pilipinas-Universe. Ito kasi ang nagbigay sa kanya ng chance para maging kinatawan ng ‘Pinas at masungkit ang title na Miss U.

Actually, mixed emotions ang nararamdaman niya dahil excited siya sa bagong mananalo.

“To be able to pass on that amazing­ honor to the next Filipina representative. It’s really exciting. It’s an amazing batch and I’m sure they’ll do very well,” sambit niya sa ABS-CBN news.

Bilang isang Bb. Pilipinas-Universe at Miss U 2018, mataas ang expectation sa papalit sa kanya.

Inilarawan ni Catriona ang kata­ngian ng karapat-dapat na Bb. Pilipinas-Universe.

“Really someone to make the Philippines proud, to really share with the international audience our culture, everything that we have to offer to the world and, of course, with the best foot forward and show people what the Philippines has to offer,” lahad pa niya. (Ronaline Avecilla)