Abante Tonite Interactive

Catriona mas click na darna kesa kay Pia

0 321

NI: ROLDAN CASTRO

Bagama’t willing ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na maging Darna, mas bet ng mga netizen ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Hintayin na lang daw si Catriona na matapos ang obligasyon niya sa Miss Universe. Mas bagay raw ito kay Cat kesa kay Pia.

Ang tanong, payag ba si Catriona na maging bagong Darna?
Ayaw niyang sumagot nang diretso pero willing daw niyang subukan ang pag-arte.

“Am I open for acting po? Yes, I’m open to every opportunity that may come my way. Acting is a field that I have not yet had any experience in but I’m a very eager learner,” lahad niya sa isang panayam.

“And if the opportunity came to audition for a certain role, I would very much be open to it,” sey pa niya.