Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona masusulot kay Jane ang Darna

0 574

Siyempre, hindi tungkol kay Jane the Virgin ito kundi kay Jane de Leon. Grabe naman kayo sa reaksyon, the WHO na agad-agad si Jane? Sobra savage kayo sa kanya.

Kung dati-rati eh excited na ang lahat na makita siyang suot-suot ang pulang bra na palamuting bituin at panty na parang may kurtinang tabing, ngayon wala na tayong balita, dahil nga sa pesting veerus na ito, kung lilipad pa ba sa silver screen ang Pinay heroine.

Minalas nga ba si Jane sa Darna? Eh wala pa ngang kasiguraduhan ang prangkisa ng network kung saan ang movie arm nito ang dapat gagawa sa pelikula, paano na?

Ang mas nakaka-aning pa. may obviously fan made photo na kinakalat ngayon sa social media.

Makikita na bet nila na maging Darna ay ang last Pinay Ms. Universe, si Catriona Gray at ang kasama niya sa larawan, ang pinangangalandakan na bagay na maging mega-kontrabida Valentina, eh ang Filipina Ms. Universe after the long title drought, si Pia Wurtzbach.

Related Posts

Ano ba iyan, hindi pa nga nating naririnig isigaw ang pamosong linya na “Ding, ang bato, dali” ang ibang nilalang, parang gusto na talagang maging finality the WHO si Jane at kay binibining Gray na mapunta ang estrellang role.

Sa true lang, in this day and age of the pandemya, paano mo gagawing may saysay at kawawaan ang isang babaing lumilipad dahil sa makapangyarihang bato?

Hindi kaya matokhang pa si Narda pag nakitang ang bato ay inilulunok niya? Charot! Hahahaha.

Kung kailan lilipad si Darna, no one knows for sure. Para lang iyang yung mga pelikulang kasali sa tag-araw peste-bal na ang kaganapan ay hindi nangyari dahil nga sa pesting veerus. Wala ring kahit na anong official word ang mga kinauukulan kung ano nga ba ang kapalaran nila.

Kaya kay Jane de Leon, good luck na lang sa iyo, ning. Baka nga ikaw na ang huling Darna ever, iyan ay kung itutuloy pa ang pelikula, huh. Istariray ka na dapat, back to starlet ka na naman. How sad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.