Abante Tonite Interactive

Catriona nangabog sa cover ng Dubai mag

426

Hindi pa rin humuhupa ang Queen Cat fever sa buong mundo. Patunay riyan ang pagkakapili kay Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang cover girl ng Dubai-based magazine na Xpedition.

Masaya ngang inanunsyo ito ng naturang luxury travel and lifestyle magazine. Binigyan si Catriona ng papuri at ibinida ang kanyang kuwento para hirangin nito bilang “the best Miss Universe ever”.

Marami naman ang napanganga sa ganda ng cover photo dito ni Catriona na proud din nitong ipinost sa kanyang Instagram account.

Caption niya, “See you soon Dubai! Excited to be visiting for the first time!! Honored to be on the cover of [Xpedition Magazine].” (Jun Lopez)