Abante Tonite Interactive

Catriona makatulo laway

1,025

NI: NONIE V. NICASIO

Super hot ang porma ng beauty queen na si Catriona Gray.

Makikita ito sa Instagram post ng teamphilippiness na tila ipine-flex ang makatulo-laway niyang kaseksihan.

Suot ang seksing blue two piece bikini, lalong lumutang ang ganda ng dalagang itinanghal na Miss Universe noong 2018. Mula sa kanyang napakaamong mukha, malulusog na boobs, balingkinitang katawan, at wow na wow na legs, winner talaga kahit saang anggulo siya bistahan.

Dyosa ng kagandahan ang katulad ni Catriona. Kartada diyes ang kanyang natatanging beauty, na parehong hinahangaan at kinaiinggitan ng maraming kababaihan.

Sobrang mapang-akit ang taglay na alindog ng dalaga .Walang barakong hindi matutulala at mapapanganga sa kanyang kariktan.

Mabistahan lang ang kanyang stand-out na kagandahan, maraming kalalakihan ang mag-iinit nang husto.Kakaiba kasi ang lakas ng sex appeal ng dalaga.

Kung magkakaroon ng survey kung sino ang Pinay na pinagpapantasyahan ng maraming barako sa ‘Pinas, sure kami na mangunguna ang name ni Catriona.

Walang member ng opposite sex ang makapagtitimpi sa tindi ng dating ng dalaga. Sadyang gagapangan ng kuryente sa katawan ang sinomang lalaki na makakasilip sa hotness ni Catriona.

Tonite – Wendys Inhouse Ad