Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona, Pia super proud kay Gomez

0 276

Dapat maging proud ang mga Filipino kay Beatrice Luigi Gomez dahil 2018 pa huling nakapasok ang Pilipinas sa Top 5 ng Miss Universe.

Kaya naman pinapurihan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray si Bea dahil sa tagumpay na pag-represent sa Pilipinas sa 70th Miss Universe pageant sa kabila na bigong maiuwi ang korona.

Hanggang Top 5 umabot ang Cebuana beauty queen sa pageant na ginanap sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 13.

SM food to go Banner Ad

“You made us so proud Bea!!!!” sey ni Catriona sa kanyang Twitter page.

Samantala, binigyang-diin naman ni Pia ang halaga ng achievement ni Bea na nakaabante sa Top 5.

“Yakap mga kababayan 2018 tayo last nag top 5. We should be proud of Bea!” ani Pia sa Twitter post. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.