Abante Tonite Interactive

Catriona pinagselosan ni Vice

0 847

Ni Rommel Placente

Pinagselosan pala ni Vice Ganda si Catriona Gray. Sa “Gandang Gabi Vice” kasi nu’ng Sunday, ay may game silang ginawa na tinawag na ‘Sagot O Lagot’.

Ang guest ni Vice sa segment na ito, ay ang magkaibigang sina Robi Domingo at Donny Pangilinan. Magtatanungan silang tatlo, na ang isasagot nila ay ‘sagot’ o ‘lagot’.

Pero bago ‘yun, may intrigang question, na kung gusto o kaya nilang sagutin, ay sagot ang pipiliin nila. Pero kung ayaw naman nilang sagutin, ay lagot ang pipiliin nila. Pero ‘pag ‘yun ang pinili nila, ay may challenge/punishment na ipapagawa ang nagtatanong.

Sa question kay Vice ni Robi, tanong nito, “Sino ang huling artista ang pinagselosan mo?” Sagot ang pinili ni Vice, kasi ayaw niya ‘yung challenge na ii-Instagram niya ang kilikili niya ‘pag lagot ang pinili niya.

Sagot ni Vice, “Si Catriona. Hindi! Kasi kelan ba ito? Sunday. Oo. First time ni Catriona sa ‘Showtime’, Monday. So, Sunday ng gabi. Sa Twitter, pagbukas ko nagkalat ‘yung pictures nilang dalawa (Ion at Cat) na ang dami. Nu’ng una wala lang naman, ka-chika ko naman si Catriona. Saka alam ko namang wala lang ‘yun.

“Nagkita sila somewhere, nagpa-picture. Pero ang dami. Nainis ako, at some point, hindi ko alam. Tinanong ko sa kanya. Sabi ko, ‘kelan ‘to?’ Sabi niya ‘Ay ano pa ‘yan, kapapanalo ko pa lang nu’ng Mister Tsutsutsutsu. Hindi pa ako nagso-Showtime.’

“Tapos me nakita ulit ako, ibang lugar naman, saka ibang… ba’t ang dami? Kunwari ako magpapa-picture ako kay Catriona, sa unang pagkikita namin, ‘di ba? Pero tuwing magkikita kayo, magpapa-picture kayo?”

Tanong ni Robi kay Vice, “Nag-usap na kayo ni Catriona tungkol doon? “Hindi. Ang cheap-cheap naman nu’n. Sasabihin ko pa ba kay Catriona ‘yun, no!”

Tanong naman ni Donny kay Vice, “Pero hindi naman kayo nag-away ni Ion? “Ay hindi! Hindi naman. Hindi kami nag-aaway,” natatawang sagot ni Vice.