Abante Tonite Interactive

Catriona pinayanig ang Araneta

By
4,264

KAKAIBA ang Binibining Pilipinas-Universe 2018 na si Catriona Gray dahil nasa history na siya ng beauty pageant. Nagi-title ng Miss World Philippines at ngayon naman Bb. Pilipinas-Universe.

Favorite siya ng crowd na nanood sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo. Bawat rampa niya sa stage ay dumadagundong sa Araneta. Grabe ang sigawan, palakpakan at lundagan. Parang may lindol pag moment na niya sa entablado.

Marami naman ang nanghinayang na walang koronang nakuha ang dating PBB housemate na si Binibini # 1 Vickie Marie Milagrosa Rushton. First runner-up lang ang nakuha niya.

Maganda ang sagot ni Vickie sa question and answer, maganda siya, sexy pero nakukulangan ang mga beki pagdating sa ‘landi’.

Mas bet nila na magkaroon ng title si Vickie kesa sa isang nanalo na hindi kagandahan ang sagot.

Sa Q & A ay trending sa social media ang ‘Build Build Build program’ na hindi si­nagot ni Sandra Lemonon dahil honest siya na hindi niya ito alam. Hindi siya updated sa current event.

Anyway, ito ang mga pinalad na manalo sa Bini­bining Pilipinas 2018

2nd runner-up #14 Samantha Bernardo

1st runner-up #1 Vickie Marie Milagrosa Rushton

Bb. Pilipinas–Globe-#19 Michele Gumabao

Bb. Pilipinas–Intercontinental #38 Karen Gallman

Bb. Pilipinas Grand International #32 Eva Patalinjug

Bb. Pilipinas–Supranational #31 Jehza Huelar

Bb. Pilipinas–Internatio­nal #17 Ma. Ahtisa Manalo

Bb. Pilipinas-Universe #20 Catriona Gray

Inabot ng madaling-araw ang pag-announce ng winner dahil live sa TV na mapanood ang resulta. Mahigit isang oras na ‘nganga’ ang mga audience. Pero kahit inaantok na ang karamihan, hindi pa rin umalis at hinintay kung sino ang mga wagi.

Halos lahat naman ay pabor sa resulta na panalo si Catriona.

Ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ay nag­bigay aliw na lang sa audience kumanta siya ng ‘Bakit Ngayon ka Lang’ kahit hindi niya kabisado ang lyrics. Sigawan naman ang madlang pipol at hinihingan pa siya ng more. Sinabi na ni Pia na suportahan siya kung sakaling gagawa siya ng album.