Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona, Piolo, Maja sibak na ang show

0 4,731

Seksing pasasalamat ang handog ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa 11 milyon niyang follower sa Instagram.

“Feeling fierce having 11 MILLION of you to share this journey with. Thank you for your never ending support. I’m always grateful,” saad niya sa caption ng kanyang post.

Pinasalamatan din ni Gray ang mga tao sa likod ng camera at mga tumulong sa kanyang mag-ayos para sa photoshoot.

Kamakailan lamang nang aminin ng beauty queen na in a relationship na siya kay Kapamilya star Sam Milby.

Samantala, malungkot na balita na masisibak na ang show nina Catriona, Piolo Pascual at Maja Salvador na Sunday Noontime Live sa TV5. Hanggang ngayong Linggo na lang January 17. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.