Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona reresbak sa nameke ng pekeng nude photo

0 269

Hindi pa nakakapag-umpisa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbestigasyon kaugnay sa kumalat na mga peke umanong nude photo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Anila, hinihintay pa nila ang formal statement mula sa beauty queen para makapagsimula ng pag-iimbestiga sa reklamo ni Gray.

Pero ani NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, siniguro sa kanila ng abogado ni Gray na maghahain ang huli ng statement nitong linggo.

Posible umanong ikaso sa mga nasa likod ng litrato ay libel o voyeurism.

Hulyo nang magtungo sa NBI si Gray para ipatunton ang mga may pakana sa mga hubad niyang larawan na nag-viral online. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.