Abante Tonite Interactive

Catriona, Sam sablay sa date

By
187

Nabigyan ng kulay ang diumano’y pagdi-date nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby.
Sablay ang tsikang may something ang dalawa.
Nagkataon lang daw na nagkita sila sa farm ng kanilang ­manager na si Erickson Raymundo (chairman ng Cornerstone Entertainment Inc.) sa Tanay, Rizal.
Pareho raw niya inimbita ang mga ito.
Noon pa man ay magkaibigan na raw sina Sam at Catriona dahil pareho ang church na pinupuntahan. Iisa rin ang kanilang Bible study group.
Ang  Cornerstone ang humahawak sa career ni Cat bilang singer.