Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona, Sam wala pang balak pakasal

0 155

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam, natanong si 2018 Ms Universe Catriona Gray tungkol sa reaksyon nito na engaged na ang kapwa beauty queen na si Pia Wurtzbach.

Ani Cat, happy raw siya para kay Pia.

Looking forward din daw siya sa bagong kabanata ng buhay ni Queen P.

Naurirat din siya kung may inggit ba siyang nararamdaman sa nalalapit na kasalan.

Sey niya, wala raw inggit factor sa kanya kay Pia.

Tungkol naman sa relasyon nila ni Sam Milby, sinabi niya na wala pa silang balak mag-settle down ng boyfriend.

Pagbabahagi pa ni Cat, masaya rin daw siya sa pagkapanalo ni Celeste Cortesi bilang Ms.Universe Philippines 2022.

Excited daw siya at nakaka-relate kay Celeste dahil tulad niya ay ilang beses din itong naging kontesera bago manalo.

Naniniwala rin siyang malaki ang tsansa nito bilang pambato ng Pilipinas sa Ms.Universe 2022 pageant.

Leave A Reply

Your email address will not be published.