Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona, Toni, Ruffa bigay todo sa miting de avance

0 64

NI: ROLDAN CASTRO

Ngayong araw ang halalan pero nag-iwan ng marka ang miting de avance ng mga presidentiable.

Umeksena at bigay todo sa grand rally ng Kakampink sa Makati sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, ang tatlong ‘Darna’ na sina Angel Locsin, Iza Calzado,& Jane de Leon, ang tandem nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin atbp.

Nandoon din sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Janella Salvador,Andrea Brillantes, Janine Gutierrez, Jake Ejercito, Rio Locsin, Dawn Chang, Kylie Verzosa.

Nagpasiklab din ang dating SexBomb Girl na si Rochelle Pangilinan . Nakita rin sina Anne Curtis Yeng Constantino ,Camille Prats, Rivermaya, Erik Santos, Regine Velasquez, Ogie Alacsid, Vice Ganda, Ely Buendia , Ben&Ben , Kim Chiu.

Ayon sa report estimate na 800,000 ang dumating at nakiisa sa nasabing rally.

Star-studded din ang miting de avance ng mga pulaan sa harap ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque.

Sumuporta sina Toni Gonzaga, Willie Revillame, Andrew E.,Pops Fernandez,Michael Pangilinan, Aegis, Geneva Cruz, Renz Verano, Richard Reynoso, Kris Lawrence, Bugoy Drilon, Daryl Ong, Bayani Agbayani, Ai Ai Delas Alas.

Kini-claim ng kampo ni BBM na isang milyon umano ang kanilang attendees.

Ginanap naman ang meeting de avance ni

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isko Moreno sa Tondo, Manila.

Nag-perform sina Tanya Markova, Jimmy Bondoc, dating Imago vocalist Aia de Leon.

Tumindig din sina Mocha Uson,

Mikee Quintos at ang anak ni Yorme na si Joaquin Domagoso.

50,000 ang estimate na crowd ng naturang grand rally ayon sa Manila Police District.

Hindi rin nagpahuli si Manny Pacquiao sa kanyang miting de avance sa kanyang bayan sa General Santos sa Mindanao. .

Tumindig sa kanya ang pamilya Gutierrez na sina Ruffa, Richard, Eddie, at Annabelle.Nandoon din sina Enzo Pineda.Freddie Aguilar, J. Brothers, Mitoy Yonting,Faith Cuneta, Skusta Clee, Wilma Doesn’t. Wala pang report kung ilan ang crowd na dumalo.

Nauna na sa kanila ang grand rally ni Ping Lacson sa Carmona, Cavite.Nandoon sina Vic Sotto, Wally Bayola, Jose Manalo atbp. 50,000 ang naiulat na crowd na dumating.

Ngayong araw ang paghuhusga kung sino ang iboboto at uupong bagong pangulo ng Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.