Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona wasak sa pinatay na mag-ina

0 171

Bukod kina Maine Mendoza, at Vice Ganda, naglabas din ng sentimyento ang iba pang mga Filipino celebrity hinggil sa pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Naging viral ang video ng pamamaril ni Parañaque police officer Jonel Nuezca sa mga kapitbahay niyang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio, sa harap mismo ng 13-anyos na anak ng pulis.

Nagkasagutan ang mga biktima at mga suspek dahil sa paggamit ng boga ng mga biktima sa labas ng bahay nila. Pumanaw ang mga Gregorio.

Dahil dito, nanguna sa Twitter PH trends ang hashtag #StopThe KillingsPH, gayundin ang #JusticeForSonyaGregorio .
Nawasak si Catriona at inalala ang iba pang mga biktima na hindi nakuhanan sa video ang huling sandali ng mga ito.

SM food to go Banner Ad

Nilarawan naman ni Janella Salvador bilang “hindi makatao” si Nuezca, habang “pure evil” para kay Jed Madela ang pamamaslang ng parak.

Giniit ni Madela ang hustisya para sa pamilya Gregorio.

Punto ni Bianca Gonzalez, dapat nang matigil ang “police brutality.” Samantala, hindi na ramdam ni Alex Diaz na ligtas siya sa otoridad.

Binigyan naman ni Agot Isidro ng ibang pakahulugan ang PNP–hindi Philippine National Police, kundi “Patay Nang Patay.”

Hinahanda na ng Paniqui Municipal Police ang reklamong double murder laban kay Nuezca. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.