Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cauayan City Hall ni-lockdown

0 65

SUMAILALIM ngayon sa lockdown ang Cauayan City Hall (CCH), Isabela matapos madagdagan ang bilang ng kanilang mga kawani na nagpositibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19).

Sa abiso ng city hall local government unit (LGU), pansamantalang sinara ang Cauayan City Hall simula 12:00 ng madaling araw kahapon (Sept. 7) hanggang 12:00 ng madaling araw ng September 14, 2020.

Ang nasabing lockdown ayon na rin sa LGU, ay para magbigay-daan sa isasagawang contact-tracing matapos maitala ang mga karagdagang positibong kaso ng COVID-19 kung saan karamihan ay mga empleyado ng CCH.

Hinihikayat din ng local na pamahalaan ang iba na mag self-quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng virus. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.