Abante Tonite Interactive

Cavite buy-bust: ₱450K shabu nasamsam, 6 tulak huli

222

Tinatayang higit P450,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad at naaresto rin ang anim na tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite kahapon.

Sa ulat, naaresto ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Amenodin Taha, alyas ‘Amen’, 20; Farhana Taha, 23; at Nayer Amer y Taha, 25, sa operasyon alas-4:50 Biyernes nang mada­ling-araw sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.

Arestado rin sina John Carlo Macarido, Abdulracman Abo at Glen Diega, sa hiwalay na operasyon sa Brgy. San Francisco, General Trias City.

Nakuha sa unang tatlong suspek ang limang hinihinalang sachet ng shabu na tumitimbang ng 62.4 gramo na may street value na P405,600 at buy-bust money.

Habang nasabat naman sa pag-iingat nina Macarido, Abo at Diega ang anim na sachet ng shabu na may timbang na 7.1 gramo at nagkakahalaga ng P48,000.