Abante Tonite Interactive

Cavite ‘di napuruhan ni Nina

By
12

Bagama’t itinaas hanggang signal no. 3 ang storm warning sa buong lalawigan ng Cavite, ­hindi naman gaanong naapektuhan ng bagyong Nina nang mag-landfall ang bagyo kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng tanghali.

Gayunpama’y nagsagawa ng evacuation ang ilang munisipalidad sa mga residente sa mga coastal areas bilang bahagi ng preventive ­measures sa inaasahang malakas na hangin at malakas na buhos ng ulan.

Unang inilikas ang mga residente sa Isla ­Bonita ang labing apat na pamilya kasunod ang bayan ng Noveleta, pati ang ilang pamilya ­malapit sa baybaying dagat ng San Rafael 3 at 4 patungo sa mga evacuation sites.

Sa kabuuan ay walang naiulat na casualties sa Cavite batay sa tala ng Provincial Disaster Office.