Abante Tonite Interactive

Cavite: Handa sa ‘The Big One’

By
1,469

Trece Martires City — Nitong Martes, Hulyo 24, ay inilunsad ang pagpupulong Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) upang buuin ang Cavite Contingency Plan for 7.2 Magnitude Earthquake.

Ito ay gina­nap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa Legislative Building na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga departamento at ahensiya na miyembro ng PDRRMC. Mayroon ding mga panauhin na nagmula sa iba’t ibang international organization and institution.

Pangunahing layunin­ ng pagbubuo ng Contingency Plan for Geologi­c ng lalawigan ay para mabawasan ang bilang ng maaaring mabawian ng buhay at maibaba ang mga damage sa mga public and private pro­perty at maging sa kalikasan.

Ang susi sa epektibo, mabilis at maagap na operasyon ay ang wastong koordinasyon sa lahat ng mga ahensiyang­ kabilang sa PDRRMC.

Ang Lalawigan ng Ca­vite ay kabilang sa mga lugar na matatag­puan ang West Valley Fault (WVF). Ayon sa matagal na pag-aaral­ at serye ng pagsusuring ini­lunsad, maaa­ring uma­bot sa 1,089,380 indibidwal o 217,876 pamilyang Caviteño ang maaaring maapektuhan kapag tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa lalawigan.

Ito ay batay sa sunod-sunod na simulation demonstration na ginanap sa buong pro­binsiya sa loob ng halos mahigit­ isang taon. Tinatayang aabot naman sa 8,805 fatality, 138,757 slight injury at 46,499 missing ang maaaring maging biktima. Inaasahan ding aabot sa 28,132 pamilya ang kailangang ilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Maaarin­g naka-prepositioned dep­loyment na ang mga team for emergency res­ponse sa panahong ito subalit hindi natin maitatanggi na maaaring sila rin at maging ang kanilang mga pamilya ay maapektuhan din ng lindol.

Bumuo ng ng labing-isang cluster para sa kanya-kanyang tungkulin sa pagresponde matapos tumama ang lindol:

TUNGKULIN AHENSIYA

Search, Rescue and Retrieval (SRR)

Armed Forces of the Philippines-Philippine Navy (AFP-PN)

Camp Coordination and Camp Management (CCCM)

Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)

Food and Non-Food items (F/NFI)

Protection Provincial Social Welfare and Deve­lopment Office (PSWDO)

Logistics – Provincial General Services Office (PGSO)

Management of the Dead and Missing Persons (MDM)

Department of the Interior and Local Government (DILG)-Cavite

Education – Department of Education (DepEd)-Cavite

Health – Provincial Health Office (PHO)

Sa ganito kaaga, dapat ay maihanda natin ang bawat pamilyang Cavi­teño sa lahat ng paraan na dapat nila malaman. Ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat ahensiya at ng bawat Caviteño ang pangunahing magli­ligtas sa atin. Lahat ng ito ay ating malalagpasan at mapagtatagumpayan dahil sa ‘nagkakaisang Ca­vite, walang imposible!’