Abante Tonite Interactive

Cavite mayor inabsuwelto sa murder

By
228

Ibinasura ng prosekusyon ang kaso laban kay Trece Martires City, Cavite Mayor Melandres de Sagun at dalawang iba pa kaugnay sa pagpatay kay Vice Mayor Alex Lubigan at sa driver nito noong Hulyo 2018.

Bukod kay De Sagun, napawalang-sala rin ang umano’y driver ng getaway vehicle na si Luis Vasquez Abad Jr. at si Rhonel Ber­samina na umano’y tumanggap ng pera para sa isa pang akusado na si Councilor ­Lawrence Arca.

Kinasuhan si Arca na ka­sabwat umano sa pagpatay, gayundin ang itinuturong gunman na si Ariel Paiton.

Una nang kinasuhan si De Sagun ng murder at frustrated murder dahil sa pana­nambang kay Lubigan at driver nitong si Romulo Gillemer, ngunit sa ginanap na preliminary investigation ay iginiit ng alkalde na walang ebidensya na nagsasangkot sa kanya bilang utak sa pagpaslang sa bise alkalde. ­