Abante Tonite Interactive

Cavite nakikiisa sa ‘national disaster resilience’ month

By
1,069

Hindi lingid sa ­ating kaalaman na ang lalawigan ng Cavite ay isa sa mga lugar na madalas nasasalanta ng kala­midad na nagdudulot ng mala­wakang pagbaha at pinsala sa ilang mga bahagi ng probinsya. Hi­git na naaapektuhan dito ay ang mga bayan at siyudad na matatagpuan sa coastal area ng Manila Bay. Kaya naman, nasa panguna­hing programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang maging handa sa anumang kalamidad o sakuna na ating kakaharapin.

Ngayong buwan ng Hulyo ay nakikiisa ang lalawigan ng Cavite sa National Disaster Resi­lience Month o NDRM 2018. Ang tema para sa taong ito ay “Katata­gan sa Kalamidad ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan”. Napapanahon ang temang ito dahil sadyang hindi maiiwasan ang mga kalami­dad dulot ng natural nitong katangian ngunit maiiwasan natin ang anumang pinsala kung tayo ay handa. At magi­ging handa lamang tayo kung tayo ay may sapat na kaalaman.

At noong nakaraang Hunyo 29 ay naglunsad naman ang Cavite Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng isang malawakang Zumba na tinawag na Health and Fitness for Disaster Preparedness bilang kick-off activity ng Pamahalaang Panlalawigan. Ito ay ginanap sa Provincial Capi­tol Open Grounds na nilahukan ng daan-daang mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng Kapitolyo.

Nito lamang ika-1 ng Hulyo, araw ng Linggo, ay nakiisa ang Cavite sa ini­lunsad na RUN FOR RESILIENCE sa Camp Vicente Lim na inorgani­sa ng Regional Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (RDRRMC)-Calabarzon para hudyatan ang pagbubukas ng NDRM 2018. Ang mga local disaster risk reduction offi­ces and units mula sa iba’t ibang bayan, siyudad at lalawigan ng Calabarzon ay nakiisa sa nasa­bing aktibidad.

Ngayong buwan ng Hulyo ay narito ang mga aktibidad na ilulunsad sa lalawigan ng Cavite kaugnay sa NDRM 2018 sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO):
6 July – Tree Growing at Maragondon.

12 July – Coastal Clean-ups.

13 July – Livelihood Seminar for Coastal Resi­dents.

17-18 July – Disaster Resilience Seminar at the Ceremonial Hall Provincial, Capitol Building, Trece Martires City.

24-26 July – Rescue Olympics at ARESCOM Tanza.

30-31 July – PWD Convention on DRRM at Angels Hills Convention Center, Tagaytay City.

Hinihikayat ko ang bawat Caviteño na maki­isa at makilahok sa mga programa at aktibidad ng ­ating probinsya. Makakaasa kayo na makakaiwas tayo na may masamang mangyari sa kahit kaninong Pamilyang Caviteño dahil tayo’y la­ging handa at nagtutulu­ngan. Anumang kala­midad o sakuna ay kaya nating harapin dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!