Abante Tonite Interactive

Cavite pusher bumulagta

By
10

Napatay sa isang buy-bust operation ng mga ope­ratiba ng Dasmariñas Component ­Police ­Station ang isang tulak matapos manlaban ­kahapon sa Cavite.

Sa nakalap na ulat, dakong alas-tres ng ­ma­daling-araw nang ilatag ang buy-bust laban sa suspek na nakilala sa alyas ‘Akbarie’, na umano’y miyembro ng gun for hire group at illegal drugs, at nang maramdamang pulis ang katransaksyon ay agad nagpaputok ng baril.

Agad tinamaan ang suspek nang gantihan ng putok ng mga awtoridad subalit nagawa pa rin ­nitong makatakas sakay ng Toyota Vios at ­nakapagmaneho hanggang Brgy. Datu Esmael at doon napatay matapos makorner.

Narekober sa suspek ang isang cal. 45 na ­kargado ng apat na bala.