Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cavite road rage: Angkas tinodas ng maangas na driver

0 167

Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang 19-anyos na binata, na kapo-promote lang sa trabaho, ng isang driver na nakasabay nito sa kalsada sa Rosario, Cavite.

Nagtamo ng tama ng kalibre .45 sa likod ang biktimang si Gregorio Buno, na nabatid na kapo-promote lang sa kanyang trabaho bilang operator ng isang kompanya sa EPZA Processing Zone, na sanhi ng pagkamatay nito, habang tinamaan ng bala sa hita ang kasama nito na si Junnue Catapang, 22. Tinutugis naman ang suspek na si Edwin Lontok, 42, ng Brgy. San Sebastian, Kawit na tumakas matapos ang krimen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSMSgt. Gemma Oliveros, hepe ng Invesigation Divison ng Rosario Municipal Police Station, alas-7:10 Martes ng gabi nang naganap ang pamamaril sa Gen Trias Drive Brgy. Tejeros Convention. Galing sa trabaho ang mga biktima at lulan ng motorsiklo na minamaneho ni Catapang habang ang suspek ay minamaneho ang kanyang Honda Jazz na may plate number na DBZ 3940.

Naungusan umano ng motorsiklo ang kotse ng suspek na pinainiwalang ikinagalit nito kaya sinundan kung saan patungo ang mga biktima. Ipinarada ng suspek ang kanyang kotse, bumaba at sinundan ang mga biktima na lumiko patungo sa isang tindahan kung saan nagkaroon pa umano ng mainitang pagtatalo hanggang sa binaril ang mga biktima.

Nakilala ng ilang saksi ang suspek kaya sinugod ng mga operatiba ang bahay nito pero hindi na ito nadatnan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.