Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cavs pinirata higante ng Celtics

0 55

Malaki na ang nakapader sa frontcourt ng Cleveland, nagdagdag pa ng isang higanteng pambulabog sa mga kalabang aatake sa rim.

Nagkasundo na ang Cavaliers at si 7-foot Tacko Fall sa one-year, non-guaranteed contract, ayon sa pahayag ng agents niyang sina Bill Duffy at Justin Hayes kay Shams Charania ng The Athletic Martes:

Nasa Boston si Fall sa unang dalawang seasons sa NBA, sa 19 games noong nakaraang season ay nag-average ng 2.5 points, 2.7 rebounds at 1.1 blocks.

SM food to go Banner Ad

Solidong rim defender si Fall, makikihati sa minuto kina Kevin Love, No. 3 pick Evan Mobley, Jarrett Allen at Dean Wade. May Lauri Markkanen pa ang Cavs na kakukuha lang mula sa Chicago Bulls.

Pero dahil non-guaranteed ang deal, hindi pa sigurado kung makakasama siya sa final roster. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.