Abante Tonite Interactive

Cayco, 95th NCAA ang paksa sa PSA Forum

229

Tatalakayan sa weekly Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Forum ngayong Martes ang nalalapit na Season 95 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Amelie Hotel-Manila sa Jorbe Bocobo, Malate.

Ihahain ni NCAA Management Committee chairman Pedro ‘Peter’ Cayco ng Arellano University ang mga dapat abangan sa bagong taon ng pinakamatagal na collegiate league sa bansa.

Unang beses na magho-host ang Arellano sa liga na magbubukas sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Iniimbitahan ang lahat ng miyembro ng PSA na dumalo sa weekly sports forum na mga suportado ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). (Janiel Abby Toralba)