Abante Tonite Interactive

Cayco, Arellano pakay ang NCAA overall title

265

Isa sa asam ng host Arellano University ang masilo ang General Championship ng Arellano University sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2019-20 na magbubukas sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Binunyag ito ni NCAA Management Committee chairman Pedro ‘Peter’ Cayco sa kabila na mahirap aniya ang labanan sa parating na taon.

“Wala naman masamang mangarap, pero mahirap ang labanan sa top spot dahil malalakas ang mga team na kasali,” lahad ni Cayco Martes sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Hinirit ni Cayco sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp. Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na may tsansa ang AU na magkampeon sa football, track & field at women’s volleyball habang sisikapin naman anya nilang makilala sa men’s basketball. (Elech Dawa)