Abante Tonite Interactive

Cayco, LVPI may pa-tryout para sa 4 na int’l event

229

Nag-anunsiyo ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. o LVPI ng isang open tryouts para sa mga naghahangad na maging miyembro ng National Team, ayon kay President Peter Cayco.

“With four major tournaments ahead, this is going to be a very busy season for our national team,” ani Cayco sa okasyong nakatakda sa Enero 24 at 25 sa Arellano University gym sa Taft Avenue, Malate, Manila.

“That’s why we decided to call for a pair of open tryouts to further expand the pool and make sure that we will have a very competitive team in the Asian and Southeast Asian tourneys that will be held this year.”

Magpapadala ang LVPI ng sulat sa Philippine Superliga, Premier Volleyball League, National Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines para payagan ang mga player na interesado sa mga tryout.
Kabilang malamang na dumalosa mga tryout sina Kalei Mau, Angel Canino, Milena Alessandrini, Eya Laure, Faith Nisperos, Alyssa Solomon, Tots Carlos at Dell Palomata.

Papalo ang National Team sa AVC Asian Women’s Club Championship sa China sa Apr. 20-28; 3rd Asian Women’s U23 Championship sa Vietnam sa July 13-21 at dalawa pang torneo.