Abante Tonite Interactive

Cayco, volleyball sa PSA Forum

0 94

Sentro ng usapan ang indoor volleyball ngayon sa lingguhang sesyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Tapa King Restaurant ng Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City.

Dadalo si Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) president Pedro ‘Peter’ Cayco sa 11:00 a.m. session kasama si national men’s indoor volleyball team director-in-charge Rod Roque.

Tatalakayin ng dala­wa ang katatapos na men’s national team tryouts para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa dara­ting na Nob. 30-Dis. 11.

Darating din si Far Eastern University coach George Pascua sa weekly forum na piniprisinta ng San Miguel Corporation, Tapa King, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Dadada si Pascua sa magiging kampanya ng Lady Tamaraws sa 81st UAAP women’s indoor volleyball tournament na magbubukas sa Sabado.

Sumegunda ang Morayta-based squad sa Da La Salle University sa nakaraang taon.