Abante Tonite Interactive

‘Cayetano 4’ inupakan sa 7.5B SEAG budget

327

Aminado ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na lubhang napakalaki ng pondo na itinakda para sa pagtataguyod ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nov. 30-Dec. 11.

Ito ang sinabi nina POC acting president Jose “Joey” Romasanta at PSC Chairman William “Butch” Ramirez hinggil sa nilaang pondo para sa 11-nation, 12-day multi-sport meet.

Ayon kay Ramirez, na siya ring 2005 chef de mission sa huling pag-host ang Pilipinas biennial sportsfest, lubhang malaki ang gagamiting pondo kumpara sa ikatlong pagkakataong idaos sa bansa ang SEA Games na rito’y nasungkit ang pangkalahatang kampeonato ng mga Pinoy sapul noong 1977.

Abante Hiring – IT dep

“We only spent P500 million–P350 million from the government and P150 million from the private sector,” sabi ni Ramirez. “But that was 14 years ago. Siguro ngayon ay iba na ang value ng mga equipment at facilities saka sa dami ng paglalabanang sports.”

Gayunman, ang P7.5B 2019 SEA Games budget ay mas mataas na 14 na beses sa ginastos noong 2005.

Una nang binatikos sa budget hearing ang tinakdang budget ng grupo ni dating Fo-reign Affairs Secretary at kasalukuyang Taguig Rep. Alan Peter Caye-tano at ng bumubuo sa pinamumunuan nitong Phisgoc Fopundation, Inc. (PFI).

Mula sa dating P9.5 bilyon na alokasyong gusto ni Cayetano, binawasan ang hiling na pondo sa appropriations ng Kongreso sa P5B na lang. (Lito Oredo)