Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano arogante, nakakahiya!

0 316

Nawalan na umano ng moral authority si Speaker Alan Peter Cayetano para pamunuan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos na guluhin at suspindehin nito ang proseso ng pag-apruba sa panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021.

“Speaker Cayetano has failed the nation and this is all because of his vicious desire to cling to power,” pahayag ni Ako Probinsyano party-list Rep. Jose `Bonito’ Singson.

Lumutang aniya ang mga pangit na pag-uugali ni Cayetano sa speakership war kung saan pinapakita nito na hindi siya mabuting lider dahil sa pagiging makasarili, sakim at arogante.

Sabi ni Singson, pinakita lang umano ni Cayetano kung paanong nakaka-adik ang kapangyarihan kung kaya’t gagawin nito lahat manatili lamang sa puwesto habang nasakripisyo naman ang budget at kapakanan ng sambayanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador `Doy’ Leachon, obserbasyon ng marami na nawalan na ng moral authority si Cayetano at nais ng ilang mambabatas na panagutin ito dahil sa natigil na proseso sa budget at inilagay pa umano sa kahihiyan ang buong kapulungan.

Bigo aniya si Cayetano na pamunuan ang Kamara sa mandato nitong repasuhin at ipasa ang budget batay sa itinatakda ng Konstitusyon at ng mga patakaran ng kapulungan.

“Nakakahiya sa taumbayan. Bakit kailangan magulo ang budget, ang maraming tao pati na ang Pangulo out of one’s undeterred desire to cling for power when it’s clear that all what is needed to just comply with a gentleman’s agreement,” ani Leachon.

Naniniwala naman si Cebu City Rep. Rodrigo Abellanosa na wala nang karapatan pa si Cayetano para pamunuan ang Kamara dahil bigo itong panindigan ang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang Konstitusyon matapos iratsada sa second reading ang budget at suspindehin ang sesyon ng Kamara.

Ang tanging opsyon na lang umano ni Cayetano ay mag-resign at ibigay ang liderato kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco batay na rin sa term-sharing agreement sa harap pa man din ni Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.