Abante Tonite Interactive

Cayetano bantay-sarado sa mga biktima ng passport scam

By
2,041

Nakabantay ngayon kay Department of Fo­reign Affairs (DFA) Se­cretary Alan Peter Ca­yetano ang mga biktima ng passport scam kung uupuan din nito ang reklamo laban sa isang consular officer.

Inaabangan ng mga biktima ang magiging aksiyon ni Cayetano laban kay Elmor Maglunsod, dating consular officer ng Regional Consular Office 12 sa G­eneral Santos City, kung uusad na ang kasong large scale estafa na kanilang isinampa laban dito ngayong na­kabalik na ito sa bansa mula sa Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria.

Naniniwala ang mga biktima ng passport scam na inupuan ng head ng Malacañang 888 complaint center na si Nora Corrado ang kanilang reklamo laban kay Maglunsod.

Ayon sa mga biktima, ginagamit umano ni Corrado ang Office of the President upang pagtakpan umano ang katiwalian ni Maglunsod na malapit na kaibigan ng anak nito na si Joan Corrado, kasalukuyang vice consul ng Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria.

Samantala si Maglunsod ay nagpayaman sa passport fixing scam nito noong panahon ng dating administrasyon.

Umaasa ang mga biktima na uusad na ang kasong large scale estafa na inupuan ng mahabang panahon, ngayong si Cayetano na ang nakaupo na kalihim ng DFA.

Si Maglunsod ang itinuturo ng tatlo sa mga biktima na nakila­lang sina Estela V. Dealo, Aly A. Baguio at Marivic Peliago, na mastermind sa passport fixing scam sa regional consular office ng DFA sa General Santos City kung saan naningil ito ng halagang mula P3,500 hangang P4,500 bilang SOP kapalit nang pagproseso sa mga pasaporte ng mga biktima na hindi naman naibigay.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na fake news ang ulat ng Abante at Tonite hinggil sa passport scam sa DFA subalit napahiya nang maglabasan ang mga nabiktima ng scam.