Abante Tonite Interactive

Cayetano bitter pa rin sa ‘kaldero’, kikiam

890

Nagmistula diumanong political rally ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang clo­sing ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa New Clark City Athle­tics Stadium sa Capas, Tarlac, Miyerkoles ng gabi.

Ito ang napuna ng mga netizen sa talumpati ni Cayetano na tuma­yong chairman ng Phi­lippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Sabi ni Eggy, @eggwardj, “Speaker Caye­tano probably forgot he is also speaking to other countries. Why does this sound like a campaign rally? The heck.”

Para naman kay Brie, @itsbriankevin, “Si Alan Peter Cayetano yung perfect example ng bida-bidang tao na ‘di maru­nong lumugar. The issues you are presenting is not an issue of the othe­r countries. You should have selected a different venue/ceremonies.”

Laman ng talumpati ni Cayetano ang kanyang pagpapasalamat sa mga taong tumulong sa paghahanda sa SEAG, kabilang ang kanyang asawa na si Taguig City Rep. Lani Cayetano na binanggit pa niya bilang isang “special member of Congress”.

Gayundin sa mga blogger na sina Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson, Darwin Cañete, at Krizette Chu.

Binati rin niya si Phisgoc chief operating officer Ramon ‘Tatz’ Suzara at iba pang miyembro nito.

Kasabay nito, may pahayag pa si Caye­tano sa mga nagkalat diumano ng fake news bago pa man pormal na nagsi­mula ang palaro pero wala itong direktang pinangalanan.

“Sa lahat ng nagkalat ng fake news, ang masasabi ko sa inyo, at ito itaga n’yo sa bato, peace be with you,” bahagi ng talumpati ni Cayetano.

Kabilang sa mga kontrobersyang kinasangkutan ng Phisgoc sa preparasyon sa 30th SEA Games ay ang P55 mil­yong cauldron, ang mga atletang natengga sa airport dahil hindi agad nasundo o hindi agad nakapag-check in sa hotel, at ang inihandang almusal sa mga atleta na kikiam, sinangag at ilog.