Cayetano boy pikon-talo sa media
Napikon sa media si Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects Vivencio ‘Vince’ Dizon sa ginanap na press briefing sa Malacañang nitong Miyerkoles matapos matanong tungkol sa ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon.
Si Dizon na siya ring president at chief executive officer ng Bases Concersion Development Authority (BCDA) ay dating nagtrabaho kay House Speaker Alan Peter Cayetano noong senador pa ito. Naging miyembro rin si Dizon ng tinawag na ‘Hawi Boys’ ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr. nang tumakbo ito sa pampanguluhang eleksyon.
Sa ginanap na press briefing sa Malacañang kahapon, tinanong ng isang reporter si Dizon kung ilan na sa 75 proyekto ng administrasyon sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ang natapos.
Pero tumanggi si Dizon na sagutin ang katanungan sa kanya.
“I know I’m supposed to answer a question here from you but seriously, I’d rather not, why, because that’s not the list anymore. Why are you asking me a list of 75 when we’re—the government is already telling you that the list is now 100 and that is the ‘new list’!” ani Dizon.
Inulit ng reporter ang pagtatanong sa kanya at dito na napikon ang opisyal.
“NEDA identified 75 projects, okay? Of which a portion was based from the studies, deemed infeasible. There were some that were completed like… I think there were two that were completed. I’m sure a lot of people in the media is gonna spin that again that the government only completed two even if I’ve already shown you that we’ve completed several. But that’s fine. You know, that’s up to you,” sabi ni Dizon.
Pinagdiinan pa nito kung bakit pinipilit umano siyang magsalita tungkol sa listahan ng 75 proyekto samantalang binago na nga ng pamahalaan ang listahan ng mga infra project. (Prince Golez)