Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano boys away sa budget

0 146

Sumiklab na ang girian sa pagitan ng mga kongresista matapos maungkat ang hindi patas sa pamimigay umano ng budget allocation sa mga congressional district.

Isa si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na umalma satila hindi umano patas na pamamahagi ng pondo partikular sa kanyang distrito na madalas kakapiranggot lamang ang binibigay na pondo gayong performing naman ito.

Partikular na kinuwestiyon ni Teves ang inilaang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung saan sa budget deliberation ng 2021 proposed budget, tinanong nito si DPWH Sec. Mark Villar kung may katotohanan ang nasagap niyang balita na ang Taguig City ay makakuha umano ng P8 bilyon alokasyon habang ang CamSur naman ay P11.8bilyon.

Walang naging kumpirmasyon si Villar sa halip sinabi nitong bukas naman ang kanilang budget para sa pagbusisi ng kongreso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pang-ungkat na ito ni Teves ay sinagot ni Villafuerte sa pagsasabing walang katotohanan at walang basehan ang sinabi ni Teves.

Hinamon pa nito si Teves na ipaliwanag ang pagkakasangkot nito sa ilegal gambling sa halip na maglunsad ng squid tactic na idinamay pa ni Villafuerte si Marinduque Rep. Lord Velasco na umano’y kasama na Teves na kumikilos para siraan ang liderato ni speaker Alan Cayetano.

“It is clear as day that Congressman Teves has launched this chicanery on the basis of mere hearsay as part of the sinister ploy hatched by the Velasco camp,” ayon kay Villafuerte.

Si Velasco ang inaasshang halili kay Cayetano sa ilalim ng kanilang term sharing. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.