Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano boys tiba-tiba sa `hijacking’

0 199

Na-hijack umano ng mga kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang malaking halaga ng pork barrel na siningit sa ilalim ng 2020 national budget sa pamamagitan ng budgeting term na “for later release” o FLR.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Politiko (politics.com.ph, ginamit umano ng Malacañang ang FLR sa halip na i-veto ang nasa P80 bilyong congressional realignment para hindi maantala ang pag-apruba ng 2020 General Appropriations Act (GAA).

Base umano sa National Budget Circular No. 578 ng Department of Budget and Management (DBM), nakapaloob sa mga alokasyon sa ilalim ng FLR ang mga programa at proyektong ipinasok ng Kongreso na “subject to specific conditions” at kinakailangang sumunod sa mga “documentary requirements/approval from other authorities.”

Sinabi ng source ng Politiko na ang FLR allocation ay naging discretionary fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pinakinabangan ng mga mambabatas na malapit umano kay Cayetano.

Ayon sa source, ang mga distritong kontrolado ng mga kaalyado ni Cayetano ay nagagawang mailabas kaagad ang kanilang FLR fund habang ang mga hindi kabilang sa “inner circle” nito ay nagkakasya na lamang sa maliit na pondo nila.

Nag-aalburuto umano ang maraming mambabatas hinggil sa isyu ng FLR at may ibang nagsasabi na “unconstitutional” ito.

“The Constitution provides for line item budgeting. If the items in the GAA are all approved by Congress, the funds for them should be released. The executive branch shouldn’t have the discretion on when and to whom the allocations should be given,” sabi ng source.

Ngayong ni-realign umano ng administrasyon ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic, maaaring mawalan ng pondo ang mga mambabatas, lalo na ang mga hindi malapit kay Cayetano, kapag hindi ni-release ang FLR allocation nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.