Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano boys yari sa ABS-CBN takeover – Locsin

0 492

Maaaring kasuhan ng trespassing at pagnanakaw ang mga kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magpipilit i-takeover ang ABS-CBN matapos ibasura ng Kamara ang aplikasyon nito para sa bagong prangkisa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa kanyag tweet nitong Miyerkoles, sinabi ni Locsin na labag sa batas ang planong kunin ang network mula sa pamilya Lopez kahit wala na itong prangkisa para mag-operate.

“Technically speaking, that’s trespassing and theft, and under the law, you can shoot trespassers, I’m almost sure of that,” ani Locsin.

Bagamat pag-aari ng gobyerno ang frequency na ginagamit ng network, mananatili namang pag-aari at kontrolado ng mga Lopez ang mga asset nito kabilang ang transmitter at mga programa ng Kapamilya network.

Samantala, iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na pagbotohan ng buong miyembro ng kapulungan ang resolusyon at Technical Working Group (TWG) report ng na nagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa nito.

Sa sulat ng grupo kay Palawan Rep. Franz Alvarez, chairperson ng House committee on legislative franchises, iginiit nila na may regulasyon ang kapulungan na dapat i-report sa plenayo ang anumang panukala o resolusyon na inaksyonan, inaprubahan o ibinasura man ng isang komite. (Mia Billones/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.