Abante Tonite Interactive

Cayetano butata kay Sotto: ‘Di mo pag-aari ang Senado

1,087

Butata sa ilang senador ang banta ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na bawasan o gawing tatlong taon na lang ang termino ng mga senador.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, nakasaad sa Konstitusyon ang termino ng mga senador kaya’t mahirap paniwalaan ang sinasabi ni Cayetano.

“How can we give what is not yours? No one owns the Senate. The Constitution and the people own the Senate and the mandate of the tenure term of the se­nators are in the Constitution. So no single personality can do that,” reaksyon ni Sotto kahapon.

“I would like to think that Cong. Cayetano said that in jest that’s why my response was how?” sabi pa ni Sotto sa panayam ng mga reporter.

Ginawa ni Cayetano ang banta noong Miyerkoles nang gabi sa meeting ng ilang kongresista kung saan kasama ang karamihan sa mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Si Cayetano ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na House Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22, sa ilalim ng term-sha­ring kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. (Dindo Matining)