Abante Tonite Interactive

Cayetano dinadaga, Bong Go gumagapang

571

Isa-isa umanong tinatawagan ni Senador Bong Go ang bawat miyembro ng Kamara de Represen-tante para himukin na sundin ang term-sharing na itinulak ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Spea-kership.

Ayon sa Politiko, ilang kongresman na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsumbong na ilang beses na silang tinawagan at tinext ng kampo ni Go at inutusang bumoto pabor kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang susunod na House Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress ngayon.

“Malacanang reiterates PRRDs endorsement of the 1521 term sharing. For confirmation, kindly call Sen. Bong Go,” sabi pa umano sa mensahe ng kampo ni Sen. Go.

“We likewise remind everyone of our agreement to 1. Vote as a block and 2. Vote on what PRRD states and endorses. (1521 term sharing),” nakalagay pa rin sa text message.

Ginagapang umano ng kampo ni Go upang masiguro ang pag-upo ni Cayetano sa gitna ng mga alingasngas na ilang mambabatas ang hindi boboto sa dating Foreign Affairs secretary sa pormal na pagbubukas ng sesyon ngayong araw.
Ang liderato ni Cayetano ay suportado ni Go at ng mga miyembro ng cabinet economic cluster.

Naunang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na lubhang delikado ang susunod na 22-oras ni Cayetano dahil marami sa mga mambabatas ay lito at nag-alalala sa anumang posibleng kaganapan sa speakership race.

“Yung sinabi ni Presidente na hindi siya magagalit kung yung iba ay hindi boto sa sinabi niya (about term-sharing). Kung hindi niya sana nasabi ‘yun ay tapos na sana ang boksing (in favor of Cong. Cayetano),” lahad pa ni Salceda. (JC Cahinhinan)