Abante Tonite Interactive

Cayetano ginigipit mga cong sa prangkisa ng Dos

507

Inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman na ginigipit ni Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kongresista na pumirma sa isang re­solusyon na humihiling bilisan ang pagdinig sa franchise ­renewal ng ABS-CBN.

Sa kanyang inilabas na paha­yag, sinabi ni Lagman na batay sa ‘veri­fied reports’, ginagapang aniya ng mga lider ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso ang mga mam­babatas na lumagda sa Reso­lution No. 639 para bawiin ang kanilang suporta dito.

Iginiit ni Lagman na hindi hinahamon ng mga pumirma sa reso­lusyon ang liderato ng Kamara kundi nais lamang nila na gampanan ng kapulungan ang kapangyarihan nito na magkaloob at magpalawig ng prangkisang ­tanging Kongreso lang ang mayroong karapatan.

Sa HR 639, hinihiling sa House Committee on Legislative Franchi­ses na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz ‘Chicoy’ Alvarez na simulan na ang pagdinig sa mga pinagsamang panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sabi ni Lagman, walang monopolyo si Cayetano sa pagpapasya hinggil sa prangkisa ng Dos.

“The Speaker cannot solely toll the death knell on bills or unduly delay the plenary deliberation on legislative measures. He has no monopoly over the fate of these measures,” ani Lagman. (JC Cahinhinan)