Abante Tonite Interactive

Cayetano ingrato sa ABS-CBN

1,091

Para sa mga netizen, ingrato at walang utang na loob si House Speaker Alan Peter Cayetano gayong maraming naitulong sa pamilya nito ang ABS-CBN.

Kamakalawa nilantad ng mambabatas na may ebidensiya umanong hawak ang Kamara na magpapatunay na lumabag ang TV giant at kumiling sa ilang kandidato noong halalan 2016.

Sinabi niya ring marami pang mabubunyag oras na simulan ng Kamara ang pagdinig nito ukol sa mga panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, na mapapaso na ngayong taon.

Aniya, maraming ebidensiya umanong hawak ang Kamara na magpapatunay na lumabag ang TV giant at kumiling sa ilang kandidato noong 2016 presidential election.

Mabubunyag umano ang mga maling gawain ng network giant sa oras na simulan ng Kamara ang pagdinig nito ukol sa mga panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, na mapapaso sa Marso 30, na tinama at sinabing sa Mayo 4 ngayong taon.

Wika naman ni Jessie Severino: “Traidor yan si Cayetano. Si PNoy din ang tumulong sa kanya sa politika. Kung sasn makikinabsng si Cayetano, doon siya kakapit. #BoyKaldero”

Sambit ni Pinoy si Wowie: “ingrato naman si alan cayetano. para sa ambisyon at kasakiman, tatapakan niya kahit yung mga nakatulong sa kanya. tingnan ang ginawa sa LP at ngayon sa ABS. he’s a parasite. #CayetanoResign #InvestigateCayetanoCauldron. (SCD)