Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano, kaalyadong BTS namigay ng P10K ayuda sa Labor day

0 193

Namigay ng P10,000 cash assistance si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso sa mahigit na 200 benepisaryo sa buong bansa ngayong May 1, bilang bahagi ng kampanya na isulong ang pagpasa ng 10K Ayuda Bill kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Manggagawa.

Bunsod ng layunin na maabot ang mga mahihirap at ibang sektor na apektado ng pandemya, nagsagawa ng live virtual event si Cayetano at ang BTS movement na tinawag na “Sampung Libong Pag-asa” kung saan namigay ng cash assistance sa 200 beneficiaries mula sa 13 iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Ang mga lugar na sakop ng Sampung Libong Pag-asa event ay Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Sta. Rosa City sa Laguna, Antipolo City sa Rizal, at Ormoc City sa Leyte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinamahan si Cayetano nina Taguig 2nd District Maria Laarni “Lani” Cayetano; Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu; Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice; Barangay Captain Ziff Ancheta of Tumana, Marikina City; Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado; Mandaluyong City Lone District Rep. Neptali Gonzales II; Cavite Reps. Francis Gerald Abaya, Luis Ferrer IV, Elpidio Barzaga, Jr., ay Abraham Tolentino; Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez; Antipolo City 1st District Rep. Roberto Puno; Anakalusugan Rep. Michael Defensor; Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr.; at Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez.

“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lahat tayo ‘wag mawalan ng pag-asa [at] dapat maging inspirasyon sa ating mga kababayan,” saad naman ni Rep. Villafuerte, na tumayong co-host sa nasabing programa.

“Napakalaking tulong na po ng natanggap kong P10,000. Hindi na po ako mangungutang ng puhunan para makapagtinda,” ayon kay Merly Agot Nolan, isa sa mga beneficiary sa Sta. Rosa City, na dumalo sa programa.

Para naman kay Lorna Javierto, ang P10,000 cash assistance mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyado ay malaking tulong para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.