Abante Tonite Interactive

Cayetano mas inuuna ang papogi – Atienza

430

Mas inaatupag lang umano ng ­liderato ni House Speaker Alan ­Peter Cayetano ang pagpapa-pogi ­imbis na sundin ang tamang proseso sa ­pag-apruba ng batas.

Ginawa ni Atienza ang ­pahayag matapos niyang ­akusahan ang ­pamunuan ni Cayetano dahil sa ­dinoktor na daily attendance sa ­plenaryo ng Kamara upang ­mahigitan lamang ang bilang ng karaniwang dami ng mga kongresista na dumadalo sa araw-araw nilang sesyon.

“Etong ating leadership ngayon, mas concern siya breaking records. ­Breaking time elements,” saad ni ­Atienza.

Paliwanag ni Atienza, ­marami umanong nakalusot at ­ipinasang ­panukalang batas sa ikalawa at ­ikatlong pagbasa ang Kamara sa ilalim ni ­Cayetano kahit wala namang ­quorum sa plenaryo.

“Even in the roll call, they are ­manipulating and doctoring the ­attendance to make it appear that most of congressmen were attending the ­plenary session,” giit ni Atienza. (JC Cahinhinan)